Biyaheng paprobinsiya matumal

NAGING matumal ang dating ng mga pasahero sa bus terminals sa Araneta Center Cubao, Quezon City at Edsa, Pasay City kung ihahambing noong nakaraang taon.

Batay sa pahayag ng mga  dispatcher ng bus companies, marami na ang mga umuwi sa probinsya noong nakaraang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, na hindi na bumalik ng Maynila at itinuloy na lang na manatili sa probinsya para gunitain ang All Saints Day o Undas.

Kaya naman nag-uunahan ang mga dispatcher sa pagkuha ng mga pasahero para makabiyahe na sila patungong probinsya.

Mayroon namang ilang bus na hindi na nagpupuno at umaalis na lang dahil sa sobrang tumal ng pasahero.

Maging sa mga bus terminal sa EDSA, Pasay City ay napakaluwag dahil sa kakaunting pasahero.

Taliwas ito noong nakaraang taon na kapag ganitong panahon ay siksikan na ang mga pasaherong nag-uuwian sa kani-kanilang probinsya.

Umaasa pa rin ang mga bus companies na dadami ang bibiyahe ngayong Lunes.

Gayunpaman,  patuloy ang 24-oras na pagbabantay ng mga pulis na mananatili sa full alert status hanggang matapos ang Undas.

Iniulat naman ni Director Edgardo Cabasi ng Land Transportation Office (LTO) Law Division, na mayroon nang mahigit 80 bus ang bumagsak sa kanilang isinasagawang road worthiness test.

Kabilang dito ang isang bus na biyaheng Iloilo ang hindi pinayagang makabiyahe dahil walang seatbelt ang drayber.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply