Blackout sa MetroManila ibinabala

IBINABAL A ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng malawakang brownout sa buong Kamaynilaan at ilang bahagi ng Luzon sa 2011 dahil kakapusin ng mahigit 300 megawat hanggang 500 megwatt ang imbak na kuryente sa susunod na taon.

Sa kanilang pagdalo sa pagdinig ng pambansang badyet, inamin ni Energy Sec. Jose Rene Almendras na malulumpo ang suplay ng kuryente sa Metro Manila sa susunod na taon kapag hindi napuno ang lahat ng hydro-electric dam sa Luzon na siyang pinagkukunan ng suplay ng kuryente.

Kaya’t kahit “ber” months na, nananalangin ang DOE na tuloy-tuloy na bumuhos ang ulan upang mapuno ang mga dam upang makapag-imbak ng 300-500 MW sa susunod na taon.

“We will be short by our estimates by at least 300 megawatts next year. The reality is this 300 megawatts is within the reserved area which is para maintindihan ng lahat the shortage of 300 is..become a problem kapag may planta na bumagsak na more than 300 megawatts but that your honor is if all the hydros all the dams, Angat, Magat lahat po ay mapuno this year,” giit ni Almendras.

Ngunit ayon kay Sen. Ralph Recto, chairman ng nasabing subcommittee, mas malaki pa sa 300MW ang kakapusan ng suplay ng kuryente sa susunod alinsunod sa estimate ng mga independent power producers (IPPs).

“That is true you honor if the predicted La Nina will not bring in the water that the hydros will need,”sagot naman ni Almendras.

Sinabi pa ni Almendras na isa sa plano ng DOE na kumuha ng suplay sa Visayas grid upang tugunan ang pangangailangan ng Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply