Bombers vs Stags in Do-or-Die

MATAPOS hakbangan ng Jose Rizal Heavy Bombers ang Mapua Cardinals isa pang baitang ang kinakailangang akyatin para mapagpasyahan kung sino sa kanila ng San Sebastian Stags ang babangga sa San Beda Red Lions sa NCAA Mens Basketball Crown.

Nilupig ng Heavy Bombers ni coach Vergel Meneses ang Muralla based Cardinals sa pagpupursige nina Joe Etame at Alex Almario na nagtumpok ng pinagsamang 27 puntos tungo sa pagrerehistro ng 60-54 panalo sa step-ladder semifinals.

Bumangon ang 6foot-7 na si Etane mula sa malamig na first half ng rumatsada sa third at fourth quarter na kung saan siya nagpasabog ng 15 puntos kabilang ang mahalagang 10 points sa huling kuwadro.

Sasagupa ang Heavy Bombers kontra sa Stags na kung saan babangga ang mananalo sa San Beda Red Lions na nakasungkit ng outright finals kasunod ng pagwawalis sa double round elimination.

Ang bagong hugot ng Alaska Aces sa PBA na si Marvin Hayes ay bumanat ng 8 puntos para masiguro ang panalo ng Heavy Bombers samantalang si Almario ay nagdagdag ng 10 points. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply