Bong Revilla di pa man nililigawan si Sam Pinto, bokya na agad!

HINDI pa man naka-first move si Bong Revilla ay sopla na agad kay Sam Pinto, ang kanyang bagong leading lady sa ‘Agimat ni Enteng.’  Ito ang tinuran ng PBB ex-housemate nang magkatsikahan kami sa 6th anniversary ng Artista Salon na pagmamay-ari ni Gio Anthony Medina, kasama nito sina Rica Paras at Dione Camposanto na kapwa din ex-housemates.

In fairness, hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Bong at dahil gusto naming pangunahan ang pangyayari base sa napapabalitang lahat ng naging leading lady ay kanyang pinormahan.  “No, I dont like,” pa-demure nitong sagot at hindi na ito nag-elaborate.

Sa isang panayam ay nagbitaw diumano si Madam Lani Mercado na hindi siya pabor na ma-link ang asawa sa bagong leading lady dahil mas bagay daw ito sa kanyang anak na si Jolo Revilla.

How about Jolo, kung siya ang manligaw sa ‘yo? “I don’t know him,” sagot agad nito.  Just in case you will be introduced to him personally at ligawan ka?  “I should know him first, who knows, baka puwede.”

On Rica naman, magtatapos na ang kanyang kontrata sa Star Magic at iisa lang nagawa nitong show, ang Isla.  “Oo nga, di man lang ako nabigyan ng shows eh, marami naman akong talent.  Kaya heto, tinanggap uli ako ng dati kong kompanya at magtatrabaho uli ako sa kanila.”

Hindi kaya, limitado lang ang role na maiibigay sa ‘yo dahil nga sa pagiging operada mong pagka-bakla.  “No I don’t believe in that, at this time, marami na ang role na bagay sa akin dahil accepted naman kami ngayon. Sa office, sa parlor, sa mga action at kahit saan ka naman, may mga bakla na kaya paano magiging limitado ang role para sa akin?”

On Dione naman, ipinanghinayang namin ang hindi niya pagkasama sa Imortal na sequel ng Lobo.  Sa una ay nandoon ang kanyang karakter kaya naman, nakakapanghinayang isipin na hindi siya kasama sa Imortal. “Sayang nga eh, pero I am not losing hope kasi kasisimula lang ng teleserye.  Malay mo, maibalik ako.”

SELINA SEVILLA, PASOK SA PAGIGING HOT MAMA

Selina Sevilla made a successful comeback and no doubt,  she proved what it takes to be a certified hot momma.  Sa opening pa lamang ng “Hot Mama … Like A Virgin” na ginanap noong Sabado sa Metro Concert Bar ay talagang pasok ang kanyang Madonna & Lady Gaga production numbers.

Talagang fit to a ‘T’ ang kanyang mga kasuotang sobrang sexy at wala siyang pakialam na maaninag ang kanyang operadang puwet. Basta indayog lang siya pakanan, pakaliwa to show to the world na balik-normal ang lahat pagkatapos ayusin ito ng Calayan Surgicenter.

Tama sa kanya ang tagline, “a beauty saved by Calayan.”

Maraming salamat kay Dina Bartolome Joson of House of Magdalene dahil napakalaking tulong ng kanyang mga gawang damit na suot ni Selina sa show.  Maraming napa-wow at katunayan, isang entertainment editor ang hindi nakilala si Selina na ang pag-akala ay guest ito ng hot mama.  Gusto rin namin pasalamatan ang Yes Hotel na matatagpuan sa Barbosa Street, Quiapo, Manila. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply