Botcha buhay sa kamay ng piggery at traders

HALOS araw-araw na lang tayong nakababalita ng mga botcha o dobol ded na karneng baboy na kinukumpiska sa mga pamilihan.

Tila waepek ang programa ng mga kinauukulan na sabatin ang mga botcha bago pa man makarating ang mga ito sa mga pamilihan.

Itong pagkalat ng botcha ay hindi dapat na palagpasin.

Sa botcha, kung hindi magkakasakit si Juan ay malalason naman siya.

Ano ba yang botcha na yan, huh?

May amoy na malansa, mabaho at iba pang amoy at maputla kumpara sa sariwa at karneng-karne na masasamyo sa karneng galing sa malusog na baboy.

Nanggagaling ang botcha sa namamatay na baboy na maaaring galing sa malalaking pigeri o bakyard lang.

May namamatay dahil sa disgrasya o kaya’y sa sakit.

Kapag namatay sa disgrasya gaya ng pagkaipit sa kulungan at makarne kaagad, pupuwedeng ulamin ang botcha.

Pero kung namatay yan sa sakit, yan ang botchang delikado.

Pero namatay man sa aksidente o sa sakit ang baboy at inabot ng siyam-siyam bago makarne, yan na ang masamang botcha.

oOo

Pinagkakakitaan ang botcha kapwa ng mga may-ari ng mga baboy at mga tagatinda nito.

Bakit?

Aba, P10 lang ang farm gate price ng bawat kilo ng botcha samantalang P50-P70 ang para sa sariwang karne.

Kapag inilako ang botcha sa mga palengke, siyempre mura rin sa halagang P50-P80 kada kilo at karaniwang si Juan ang namimili dahil yan lang ang kaya niyang bilhin.

Ang sariwang karne ngayon ay nasa P180-P190 kada kilo.

Ang masama rito, may mga malalaking piggery na may kontak sa mga botcha trader derpor ang mga legal na piggery mismo ang pinanggagalingan nito.

At alam ba ninyo kung paano nakapagpapalusot ang mga piggery?

Una, tinatanggal nila sa empleyo ang mga obrerong nagtatapon o nagsusunog ng mga namamatay sa sakit na baboy.

Sabay harang sa mga ito na makahanap ng ibang mapapasukang piggery rin.

Magsumbong man ang mga ito sa awtoridad, hindi sila pakikinggan.

Ikalawa, nagbubulag-bulagan na lang ang mga lokal na opisyal sa munisipyo at barangay sa botcha dahil mahusay makisama ang mga may-ari ng mga piggery.

Lalo na kung panahon ng halalan.

Ang mga malalaking piggery ang kabilang sa mga kinokotongan ng mga pulitiko, lalo na ang mga nakaupo, para may panggastos sila sa kampanyahan.

Ikatlo, parang nagbubulag-bulagan naman ang mga tauhan ng National Meat Inspection Commission sa botcha.

O sadyang inutil lang ang mga ito dahil walang makita sa mga ito sa gabi na panahon ng pagbibiyahe ng botcha.

Saka lang masisipag ang mga ito, Suki, kung may mga sumasabog na problema gaya ng foot and mouth disease o peste ng mga baboy, manok at iba pa.

Pero ukol sa botcha?

Magkano ba, huh? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply