Boxers nagsapakan sa media tour

NAGKAROON ng madugong komprontasyon sina WBO jr. featherweight champion Wilfredo Vazquez, Jr. at challenger Ivan “Choko” Hernandez sa ginanap na press conference sa Kissimmee, Florida para sa kanilang paghaharap sa Linggo.

Nagpaliwanag si promoter Tuto Zabala Jr. na nagkaroon ng dugo sa mukha ang isa sa mga fighters ngunit nilinaw na maayos pa rin ang kondisyon nito.

Sina Vazquez, Jr. ng Bayamon, Puerto Rico at Hernandez ng Ensenada, Mexico ay magsasapakan sa loob ng 12 rounds para sa WBO Jr. featherweight title ng una.

Ayon kay Vasquez, hindi siya ang nag-umpisa ng gulo kaya wala siyang kasalanan sa komprontasyon.

Malalaman aniya ni Hernandez ang kanyang hinahanap sa oras na magharap na sila nang pormal sa Linggo.

Habang isinusulat ito, namumuo ang pagdududa na bahagi lamang iyon ng media mileage ng dalawa, gayunma’y kitang-kita naman ng ilang reporters kung paano nagsapakan ang dalawa at nagpambuno na parang nasa kalye subalit hindi malinaw kung sino ang nagpasimula ng gulo.

Pinayuhan na lamang ng promoter ang dalawa na sa ring na lang tapusin ang away nila.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply