Bumisita sa kapatid inararo ng saksak

NAMATAY ang lalaking bumisita sa kanyang kapatid makaraang pagsasaksakin ito ng dating kaalitan sa Brgy. Longos, Malabon City.

Ang biktima, na hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan, ay nakilalang si Crispino Sta. Cruz, 55, ng Blk. 39, Lot 25, Malipoto st., Northbay Boulevard South, Navotas City.

Kaagad inatasan ni Supt. Reynaldo Orante ang mga pulis ang pagdakip sa  tumakas na salarin, na nakilalang si Jayson Borja, 35, ng Blk. 3, Area 2, Longos ng nabanggit na lungsod.

Base sa imbestigasyon ni P03 Jerry dela Torre, ganap na 9:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Halaan Alley at Pampano st., Brgy Longos.

Ayon sa salaysay ng saksing si Edgar Escobar, 35, nagkaroon ng manitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek.

Sa gitna nito ay nagbunot ng patalim si Borja at inundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Sta. Cruz.

Mabilis na  sumaklolo  ang kapatid nito subalit agad nakatakas ang salarin.

Isinugod sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply