Busisiin ang pagbagsak ng mga eroplano

KAMAKAILAN lang ay may bumagsak na Huey helicopter sa Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Bumagsak naman kahapon sa Cebu ang isang Cessna plane.

Swerte, mga Bro, at walang namatay sa pito kataong bumagsak at nagliyab na helicopter.

Ganundin na hindi nasaktan ang piloto at student pilot na sakay ng Cessna plane.

Naganap ang dalawang pangyayari sa gitna ng lumiliyab na labor problem sa Philippine Air Lines.

Alam ba ninyo, mga Bro, ang nararamdaman ko habang magkasunod na bumagsak ang pang-Vietcong na helikopter at Cessna plane?

Nanlalamig!

Lalo na kung sumisingit ang problema sa PAL.

Paano kung dahil sa problema sa PAL, eh, magkadisgrasyahan diyan?

Eh pati ang mga piloto ay may problema rin sa kompanya ni Taipan Lucio Tan.

Kinikilabutan talaga ako at hindi mapapawi ito kahit may  mga sinasabing seksing dancing flight attendants ng Cebu Pacific.

Paano nga kung dahil sa problema ay may babagsak na eroplanong PAL na puno ng mga pasahero?

Oh my God. Napadadasal tuloy tayo, mga Bro.

Sana naman maayos na ang problema alang-alang sa flying public.

Yang pag-takeover ng gobyerno sa sigalot sakaling may strike ng mga flight attendant ay walang silbi hangga’t hindi mareresolba ang mga mahahalagang usapin diyan.

Dapat na isabay rito ang pagbusisi sa mga nagiging dahilan ng mga pagbagsak ng mga eroplano.

Anong malay natin na may mga dahilan ng pagbagsak ng dalawang nabanggit na eroplano na pupuwedeng dahilan din ng disgrasya sa mga pampasaherong eroplano gaya ng PAL?

Anong malay natin na may pagkukulang halimbawa ng mga awtoridad sa pagkontrol sa pagpapalibapa ng eroplano?

ANG TANIM ANG SIYANG AANIHIN

Madali talaga ang pumuna at magkritiko sa nakaraang admin but now they have their share of misgivings and misfortunes a taste and dose of their own medicine. 0918505

KOLEKTOR NG DILG
Tuloy pa rin ng paloleksyon ng DILG sa mga iligalista. Ang kolektor ay isang Gerry Salustiano. 0927822

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply