Calamity funds ibigay sa biktima ni ‘Juan’–Angara

IGINIIT  ni Sen. Edgardo Angara na makababangon ang lugar na sinalanta ng bagyong Juan kung ipamamahagi ni Pangulong  Aquino  ang kalahati ng P2 bilyong calamity funds na kontrolado ng Office of the President.

Sinabi pa ni Angara na makatutulong din ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa sinalanta ng bagyong Juan kung ibibigay nito ang kani-kanilang intelligence funds na “nabubulok” lamang sa taguan ng kanilang tanggapan.

“Sana ‘yung calamity fund ni Pangulong Noy ay i-donate na ang kalahati ngayon pa lang,” sabi ni Angara.

Base sa pagtataya ng National Risk Reduction and Disaster Management Council na aabot sa mahigit P2 bilyon ang sinalanta ng bagyong Juan sa impraestruktura at pananim sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Bukod pa rito ang winasak na imbak na bigas ng National Food Authority (NFA) sa ilang warehouse nito sa naturang lalawigan habang nananalasa ang bagyong Juan.

Ayon pa sa senador, puwede ring ipag-utos ng Pangulo sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na ibigay na lamang sa mga biktima ng bagyong Juan ang kanilang natitirang intelligence fund. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply