Caparas kinasuhan ng tax evasion ng BIR

DAHIL sa paglabag sa batas ukol sa pagbubuwis, kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ng 64 bilang
ng kasong kriminal ang kontrobesiyal na director at national artist na si Carlo J. Caparas.

Ito ay makaraang madiskubre ng BIR na si Caparas, residente ng no.27 San Jose St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa, ay nabigong mag-file ng kanyang tax returns noong taong 2006, 2007,2008 at 2009. Sa panahong ito ay gumawa ng mga pelikulang “The Maggie de la Riva Story,” “Gagambino,” “Panday,” at “Totoy Bato,” at dalawang palabas sa telebisyon na “Ang Pangarap Kong Jackpot” at “Kroko” si Caparas bilang producer. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply