Caretaker itinumba

BINAWIAN ng buhay ang isang babaeng caretakaer ng isang subdibisiyon makaraang pagbabarilin  sa ulo at katawan ng ‘di nakilalang salarin, sa Antipolo,City.

Nakilala ang biktima na si Myrna Obligascion, 43 anyos, caretaker ng Kingsville Subd.  naninirahan sa Sitio Inalsan, Brgy. San Jose, sa nabanggit na lungsod.

Tumakas naman ang ‘di nakilalang salarin dala ang ginamit nitong kalibre .45 na pistol.

Napag-alaman sa pulisya, naganap ang pamamaslang bandang-2:50 ng hapon kamakalawa sa Sunvalley Road. Sitio Buntong Palay, Brgy. San Juan, nang biglang sumulpot sa likuran ng biktima ang suspek na nakasuot ng bonnet na kulay itim at pinagbabaril ang biktima na ikinasawi nito.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng bala ng baril  na siyang posibleng ginamit sa pamamaslang sa biktima. Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply