Caretaker nakitang patay sa bahay kubo

MATIGAS na nang makitang patay ang isang caretaker sa bahay kubo nito sa Caloocan City.

Nakilala lang ang biktima sa alyas na “Ely,” residente ng Congressional Rd., Camarin, ng nasabing  lungsod.

Sa ulat, dakong alas-tres ng hapon nang bisitahin ni Dominic Humaday ang kaibigan, subalit laking gulat nito nang makitang matigas na ang biktima sa loob ng kubo.

Ipinagbigay alam ni Humaday sa pulisya ang nangyari, ngunit walang nakitang palatandaan ang mga alagad ng batas na pinatay ang biktima.

Inaalam na ng mga pulisya kung ano ang sanhi ng kamatayan ng biktima.  Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply