Cash doleout idiretso sa paslit, imbes sa magulang

HINDI ang magulang ang dapat suhulan ng gobyerno kungdi busugin lamang ang mga anak partikular yaong nasa elementarya.

Ito ang isinulong kahapon nina Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares matapos ipabasura ang  conditional cash transfers (CCTs) ng administrasyong Aquino sa 2011 budget.

Giit ng dalawang kongresista isang makabuluhang inisyatibo ang ” mandatory child nutrition program to be implemented in all public elementary schools and day care centers nationwide.”

Sinabi ni Casiño na edukasyon at nutrisyon ang pangangailangan ng mga bata kaysa ang mga magulang ang susuhulan.

“If our schools provide good education and nutrition at the same time, you won’t have to bribe parents with cash dole outs to send their kids to school,” said Casiño.

Nakapaloob sa House Bill 2308 o “Child Nutrition Law of 2010” na isinulong nina Casiño at Colmenares na ang ganitong programa na maituturing na ” comprehensive, integrative and sustainable on a national basis” ang higit na kailangan.

Sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST), naitala ang mga underweight children na may edad 0-5 taong gulang sa bilang na 3.35 milyon. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply