Cash transfer sa mahihirap, mauuwi sa jueteng

NANGANGAMBA ang mga kongresista na mauuwi lang sa jueteng lords ang pondong ibibigay ng gobyerno para sa mahihirap na pamilya sa bansa sa ilalim ng conditional cash transfer program (CCT) ng administrasyong Aquino.

Sa budget deliberations ng DSWD, iginiit ni Pangasinan Rep. Carmen Cojuangco na dapat maglatag ng malinaw na patakaran ang gobyerno para matiyak na maibibigay talaga sa tunay na mahihirap ang naturang pondo.

Sa ilalim ng programa, bawat pamilyang mahirap ay makakatanggap ng P1,400 sa loob ng 10 buwan.

Duda rin si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na masusustenihan ng administrasyong Aquino ang target na doblehin ang mga pamilyang matutulungan sa ilalim ng CCT.

Aniya “masyadong ambisyoso ang P21-bilyon pondo para sa CCT program na naglalayong magbigay ng subsidiya sa 2.3 milyong mahihirap na pamilya.

Iminungkahi ni Arroyo na i-realign na lamang ang pondo para sa pasilidad sa Mindanao. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply