Cavs nakabuena mano vs Celtics

GINULAT naman ng Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics unang laro nila sa game opener, 95-87, kahit na nilayasan na sila ni LeBron James.

Pinatunayan naman ng Cavs  na kahit wala ang kanilang sinasandalan noon ay kayang-kaya nilang makabuena mano.

“Para ito sa siyudad,” pahayag ni forward Antawn Jamison. “Para ito sa mga fans para malaman nila na kaya namang tumindig at ito ang lugar na makakapanood ka ng magandang laro. At higit sa lahat, mapapanood mo sila na nananalo.”

Si J.J. Hickson ay kumana ng 21 points habang si Daniel Gibson ay nagdagdag ng 16 sa second half na naglatag ng pag-asa sa Cavaliers na gumiba sa Big Three ng Boston na nakaani na ng 17 kampeonato sa mga nakalipas na taon.

Samantala, si Rajon Rondo ay nakadale ng 18 habang si Paul Pierce ay nakakamada ng 13. Si Ray Allen naman ay naka-12 habang si Kevin Garnett ay nakadale ng 15 rebounds para sa Boston.

Kasabay nito, ang Denver Nuggets ay pinitpit ang Utah Jazz, 110-88 habang ang New York Knicks ay nilakdangan ang Toronto Raptors sa iskor na 98-93. Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply