CCT budget di ililipat bilang calamity fund

HINDI gagamitin ng Malakanyang ang pondo ng Conditional Cash Transfer para saklolohan ang biktima ng bagyong Juan. Binigyang diin ni Deputy Presidential Spokesperson Atty. Abigail Valte na ang CCT ay para sa mga mahihirap na pamilya at hindi nakalaan sa calamity fund.

Ito aniya ay pangmatagalang programa para makapag-aral ang mga mahihirap na mag-aaral at mabigyan ng maayos na health care ang mga buntis na ina.

Sa ulat, mismong si Sen. Ralph Recto na dating NEDA secretary ng Arroyo administration ang nagsabing maaaring gamitin ang natitirang CCT fund para sa mga biktima ng kalamidad. Mas makakabuti aniyang huwag galawin ang CCT fund at may sapat pa namang pondo ang gobyerno tulad ng katiyakan ng Pangulong Aquino.

Samantala, inihayag naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive Dir. Benito Ramos  malalaman ngayon ang final assessment sa pinsalang iniwan ng bagyong Juan.

Dito aniya ibabatay ng Malakanyang kung saan huhugutin ang gagamiting pondo para sa relief operation. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply