Celtics tiniris ang Heat

SA kabila ng 31 points ni LeBron James ay hindi nakaporma ang Miami Heat sa Celtics matapos silang durugin nito, 88-80, sa NBA opener kahapon sa mismong bakuran ng Boston.

Maging ang tinaguriang Big Three ng Miami ay hindi nakaporma sa lumang Big Three naman ng Boston Celtics na nakapaglatag na ng 17 title banners.

Kaya naman, napahiya sina James, Dwyane Wade at Chris Bosh sa nasabing laban. Umamin naman si James sa kanilang kahinaan sa pagsasabing iba talaga ang maraming karanasan.

Subalit ayon kay Celtics coach Doc Rivers, kumbinsido siyang uusad ang Heat bilang title contender sa mga susunod na araw.

“Magagaling talaga sila,” pahayag ni Rivers.

Si Wade ay nakalikom lamang ng 13 points habang si Bosh ay nakawalong puntos lamang at walong rebounds.

Samantala, naka-20 points naman si Ray Allen habang si Paul Pierce ay nakadale ng 19 points at naka-10 points at 10 rebounds din si Kevin Garnett sa panig ng Boston.

Kumamada naman si Rajon Rondo ng 17 assists habang si Shaquille O’Neal ay nakasikwat ng siyam na puntos at pitong rebounds para sa Celtics.

Kasabay nito, ibinandila na ng Los Angeles Lakers ang kanilang latest NBA championship banner sa west wall ng Staples Center.

Siyam na players na nakalaro laban sa Boston Celtics kasama si coach Phil Jackson at coaching staff nito ang nakatanggap ng kani-kanilang championship rings bago ang season opener.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply