Chavez Jr. pababagsakin si Pacman sa sparring

Hindi nagdalawang isip si World Boxing Council (WBC) Silver middleweight champion Julio César Chávez Jr. na tanggapin ang alok ni trainer Freddie Roach na karagdagang pabuya sa sinumang makapagpapabagsak kay WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa sparring session.

Si Chavez Jr. ay nakatakdang dumating sa bansa sa mga susunod na araw para humalili sa sparring ni Pacman at hindi inalintana ang susuunging hamon sa pag-knockout sa Pinoy champion.

Una nang inihayag ni Roach na karagdagang $1,000 ang pabuya sa sinumang makakapagpatumba sa pound-for-pound king.

“Freddie Roach is paying $1,000 dollars (to knock Pacquiao down). I think Pacquiao will win by decision or Margarito by knockout,” wika ni Chavez Jr.

Sa ngayon sina Glen Tapia at Michael Medina ang sparring partners ni Pacman sa kanyang training sa Baguio City bilang paghahanda sa laban kay Antonio Margarito.

Nakatakda ring dumating sa bansa ang isa pang sparmate ni Pacquiao na si WBA junior welterweight champion Amir Khan.

Ang Pacquiao-Margarito fight ay itinakda ngayong November 14 sa Cowboys Stadium, Arlington, Dallas Texas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply