Chinese national arestado sa baril

HINULI ng National Capital Region Police Office NCRPO ang isang Chinese National sa pag-iingat ng baril na walang lisensiya, kahapon ng umaga sa Brgy. Talon Uno, Las Pinas City.

Batay sa ulat sa tanggapan ni NCRPO Director Chief Leocadio Santiago, Jr., kinilala ang suspek na si Herbert Tan Tui, 43-anyos, Metrocor South Gate, ng nasabing barangay.

Batay sa ipinalabas na search warrant ni Hon. Judge Amor Reyes ng makumpiska mula sa tahanan ni Tan ang 14 na SSI-VI caliber rifles,  102 magazine na nagmula sa Indonesia, isang glock pistol, na pawang walang kaukulang lisensya sa Fire Arms and Exclusive Division.

Matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang suspek na kung saan pinapabagsak pa sa Bataan at hinihinalang ibinebenta sa iba’t ibang lalawigan sa Mindanao.

Kasalukuyang nakaditine ang suspek sa Regional Police Ofiice Unit at nahaharap sa kasong PD 1866 o illigal possesion of Fire Arms and Ammunation at Comelec Gunban. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply