Chisora dudurugin ni Klitschko

ATAT na umano si IBF/WBO/IBF world heavyweight champion Wladimir Klitschko sa kanyang laban sa December 11 kay British at Commonwealth heavyweight beltholder Dereck Chisora sa SAP Arena sa Mannheim, Germany.

Ayon kay Klitschko, kahit na tiwala siyang mananalo ay hindi siya basta-basta magpapatama ng mga solidong sapak.

Aminado naman siyang mahirap na kalaban sa ring si Chisora at aniya’y mapanganib itong katunggali.

Magiging lamang naman ni Klitschko ang lugar kung saan siya lumaki at tiyak na marami siyang fans dito lalo na sa nasabing arena.

Ayon kay Klitschko, hindi niya rin makakalimutan ang lugar na ito dahil dito niya nakuha ang kanyang second world championship sa kamay ni Chris Byrd.

Samantala, sa Sabado ay manonood muna sina Wladimir at Chisora sa 02 World arena sa Hamburg para naman sa laban sa pagitan ng kapatid ni Wladimir na si WBC heavyweight champion Vitali Klitschko kay WBO titlist Shannon Briggs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply