CHR eeksena sa KFR ‘massacre’

IIMBESTIGAHAN ng Commission on Human Rights o CHR ang limang pinaniniwalaang miyembro ng isang kidnap-for-ransom group nang napatay matapos makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad, Cavite City.

Pawang hindi pa nakikilala ang limang nasawi na kumidnap sa mga biktimang sina Paviter at Balvir Singh, mga Indian Nationals at isang Pilipino na si Luciano Clemen.

Batay sa ulat ni Cavite Police Director Sr. Supt. Danilo Maligalig kay bagong PRO4 Director Chief Supt. Samuel Pagdilao, dakong alas-2:50 ng madaling-araw nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Police Anti-Crime Emergency Response PACER at mga pulis mula sa Quezon City, National Capital Region, Bulacan, at Cavite, sa safe house ng mga suspek sa Brgy. Santiago, General Trias, matapos makipag-ugnayan ang mga suspek sa pamamagitan ng cellphone sa pamilya ng mga biktima dahil sa panghihingi ng ransom.

Batay sa report, nagpaputok ang mga suspek nang makita ang mga alagad ng batas kaya napilitang gumanti ang mga ito kung saan napatay ang dalawa sa mga suspek.

Nakatakas naman ang tatlo pang suspek sakay ng isang pulang Avanza na  kung saan naharang ng mga pulis sa checkpoint sa Daang Hari Road sa Bacoor, ngunit sa halip tumigil ay pinaputukan ng mga ito ang mga awtoridad na nagresulta sa palitan ng putok.

Narekober sa crime scene sa General Trias ang isang cal .45 at .9 mm pistol habang dalawang .45 at isang .38 caliber revolver naman ang nakuha sa mga suspek pati ang getaway vehicle ng mga ito. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply