Club sa Quezon City front ng prostitution

Bukambibig ng mga ‘night howler’ pagdating sa mga bahay-aliwan ang FHM Club na matatagpuan sa West Avenue cor. Quezon Ave.,sa Quezon City.

Alam ba ninyo kung bakit kinawiwilihang puntahan ang club na ito  ng mga mahihilig na kalalakihan?

Bukod kasi sa indecent shows, may mga magagandang bebotsy na puwede mong pagparausan sa loob ng mga vip rooms nito pagkatapos mong manood ng mga bold show.

Lintik din ang gimmick ng may-ari ng club na ito dahil  sa nakakapanayo na ng balahibo ang  bold show, ginagamit pa ang mga vip room nito sa quicky sex o parausan.

Hindi ko lang alam kung ano ang ginagawa ni QCPD Director C/Supt. Benjardi Mantele, sa kanyang opisina. Tutulog-tulog yata itong si heneral at hindi niya alam  ang mga nangyayari sa loob ng FHM Club.

Kung ganito rin lang ang opisyal ninyo wala ngang malulutas na kaso ito.

May nasagap tayong “impo” na isang pulis sa CIDG na ang may-ari ng club na yan  kaya marahil hindi ito pinakikialaman ni Gen. Mantele.

Ang balita pa nga natin, e, istambayan din ng mga pulis-QC ang club na ito.

Malimit at ginagawa ring ‘hang-out’ ng mga security aides ni Pang. Aquino ang nasabing club.

Tingnan ninyo, ang FHM Club ay ilang metro lang ang layo nito sa tahahan ng Pangulo sa Times St.

Kung sino mang pulis na may-ari nito, humanda ka!!!

SUGALAN PADER SA BIÑAN, LAGUNA

Sa Biñan, Laguna, sa loob ng sabungan ay malakasan ang puesto pijo na color game ni Ustin Papag.

Hindi ginagalaw ng kapulisan ng Laguna dahil sa malaki ang lagay nito.

Ewan ko lang dito kay Biñan chief of police Supt. Joel Pernito kung bakit hindi siya kumikilos.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog @yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply