Comelec at SC, abogado sa vote buying paano?

ANO kaya ang pupuwedeng gawin ng Commission on Elections sa mga kandidatong namimili ng boto?

Ang Korte Suprema, pupuwede kayang umaksyon kung hindi kikilos ang Comelec sa mga abogadong sangkot sa nasabing krimen sa halalan?

Ang sama-sama kasi ng nasasagap nating mga ulat kaugnay ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan na halalan.

Hindi lang ang mga ordinaryong kandidato ang bumibili ng boto.

Pati ang mga tinatawag na “officers of the court” gaya ng mga abogado ay gumagawa nito.

Nagsimula ang pagapang at tuwirang pamimili ng boto noong hapon ng Linggo at natapos sa madaling araw kahapon.

May pangako pa ng ibang mga kandidato na  magkakaroon ng trip to Hong Kong o ibang mga bansa ang lahat ng kanilang mga koordineytor kung mananalo sila.

Kakambal nito, Suki, ang pagbili ng mga mayayamang kandidato ng katiket nilang mga kagawad na may impluwensiya sa mga angkan o samahan kaya sa kani-kanilang mga barangay.

oOo

Naiisip natin, paano titino ang repablik ni Juan kung ganito ang halalan, huh?

Ulat ng mga alaga nating pusa sa mga barangay, itong mga mapanirang daga sa sagradong tungkulin na pamimili at pagluluklok ng ating magiging mga pablik serbant ay naglipana.

Umaalingasaw at hindi lingid sa lahat ang ginagawa ng mga ito.

Kaya naman nagtatanong tayo Comelec kung ano-ano ang pupuwedeng gawin ng nito sa mga kasong ganito.

Ang Philippine Drug Enforcement Agency, kapag nakarinig ito ng ulat ukol sa mga bayoleytor ng mga anti-drogang batas, lihim na na nagmamanman at saka nagsasagawa ng mga buy-bust sa huli.

O kaya’y mabilis nilang inaaplayan ng arrest at search warrants ang kanilang laban sa mga sangkot sa droga.

Hindi sila nangangailangan ng pormal na sumbong para umaksyon.

Dala ng mga ito ang prinsipyong sila na mismo ang nagiging witness sa halip na ang kanilang mga impormer kung nanganganib ang buhay ng mga ito.

Balik tayo sa Comelec: ano-ano ba ang inyong mga posibleng gawin kung makaririnig kayo ng mga vote buying, huh?

Op kors may mga kritikal na lugar at sa katunayan, umaabot sa sentral opis ng Comelec ang pagpatay sa mga opisyal nitong tapat sa tungkulin.

At nauuunawaan natin ito.

Pero dahil bahagi ng paggampan ng tungkulin, wala bang yagbols ang mga taga-Comelec para magsagawa ng sariling inisyatiba laban sa krimen?

Ang Korte Suprema, istrikto sa mga abogado at habilin nitong panatiling malinis ng mga ito ang kanilang opisyal at personal na buhay.

Kung hindi, disbarment ang ending ng mga ito.

Ngayon, pupuwede bang umaksyon ang Hukuman sa gitna ng halalan gamit ang sarili rin nitong inisyatiba sa pagdidisiplina ng mga abogado?

Magmanman tayo! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply