Comelec igigisa dahil sa palpak na halalan

TINIYAK ng Malakanyang na may mananagot sa nangyaring aberya sa Barangay at SK elections.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakikiisa sila sa sentimiyento ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na hindi sapat ang pag-amin ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang pagkukulang.

Inamin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na dismayado  siya sa kakulangan ng preparasyon ng Comelec sa halalan na matagal na umanong pinaghahandaan. Kaya dapat lamang aniyang imbestigahan itong mabuti upang sa gayon ay  may managot sa nangyaring kapalpakan upang hindi na muling maulit. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply