Command conference dinedma, PNoy tiwala kuno sa NDCC

ABSENT si Pangulong Aquino sa command conference ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Kahit hindi dumalo ang  Punong Ehekutibo sa pulong ay kuntento naman ito sa paghahanda ng NDCC sa bagyong Juan (Megi).

Patunay umano dito ang hindi na pagsipot ng Pangulong Aquino sa ipinatawag na command conference ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Kampo Aguinaldo kaninang alas 9:00 ng umaga.

Ayon kay Executive Sec. Jojo Ochoa na nagbigay na si Defense Sec. Voltaire Gazmin ng briefing kay Pangulong Aquino at kontento umano ito sa mga preparasyon.

Aniya, umaasa silang ma-sustain ng mga personnel na naka-deploy sa field ang trabaho at hindi sila mapagod sa kalagitnaan ng bagyo.

Dapat umanong tiyakin ng mga kinauukulang opisyal na 100 percent capable at nasa magandang kondisyon ang kanilang tauhan.

Pero kung kagabi pa alam ni Ochoa na hindi na dadalo ang Pangulo sa command conference, inihayag naman nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda at Sec. Ricky Carandang na kaninang alas 8:30 lamang ng umaga nagdesisyon ang Pangulo na hindi dadalo.

Ayon kina Lacierda, on-track naman umano ang mga paghahanda at importanteng madaluhan nito ang meeting sa National Anti-Poverty Commission kaninang alas 10:00 ng umaga sa Palasyo.

Samantala, sa isang text message, nilinaw ng Pangulo na alas 12:00 pa naman ng tanghali magla-landfall ang bagyo sa Isabela kaya minabuting harapin muna ang National Anti-Poverty Commission. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply