Condom funds kakapunin

TINIYAK ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi makalulusot sa Senado ang hinihinging P400 milyong pondo ng Department of Health para sa pambili ng artificial contraceptives tulad ng condom at pills.

Sa panayam, sinabi ni Enrile na mahirap i-monitor ang ganoong kalaking halaga ng pondo para ipambili ng artificial contraceptive na siyang nagpalutang nang kaduda-dudang sitwasyon dahil malaking bulto ang hinihingi ng DOH.

“May pagdududa tayo sa lump sum allocation. Paano mo mamomonitor ang P280 milyong halaga ng pill at P80 milyong halaga ng condom,” giit ni Enrile.

Sinabi ni Enrile na mali ang katuwiran ng DOH na gagamitin ang condom para sa adik sa droga at iyong may-sakit ng HIV na siyang pangunahing programa ng ahensiya upang mapigilan ang pagkakalat ng sakit.

“Mayroon ba silang impirical data na nagsasabing napigilan ang pagkakalat ng HIV kapag gumamit ng condom?, tanong ni Enrile.

“Para sa mga adik daw iyon..kaya nga nilang bumili ng mahigit P2,000 halaga ng shabu, eh di kaya din nilang bumili ng condom,” dagdag pa ni Enrile.

“Kailan ba matatapos ang condom policy na yan,” ayon pa kay Enrile.

Sinusugan naman ni Majority Leader Vicente Sotto III ang panukala ni Enrile dahil hindi maaaring panghimasukan ng gobyerno ang kalayaan ng mag-asawa kung paano nilang kokontrolin ang kanilang magiging pamilya.

Sinuportahan din ni Senate President Jinggoy Estrada ang panukala ni Enrile, ngunit sinalungat naman ito ni Sen. Juan Miguel Zubiri dahil “wala naman umano masama sa paggamit ng condom dahil mismo siya ay gumagamit nito.”

Ayon naman kay Sen. Franklin Drilon na pag-aaralan ng komite ang pagsalungat nina Enrile at Sotto sa naturang pondo dahil matagal nang nasa badyet ng DOH ang naturang programa. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply