Construction worker dedo sa tubo

NAMATAY ang isang construction worker matapos hatawin ng tubo sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki kahapon ng madaling-araw, sa Caloocan City.

Patay na nang makita si Jomar Alarte, 29, stay-in sa construction site sa General Evangelista st., Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang makita ng mga kasamahan na nakabulagta ang biktima sa loob ng nasabing construction site.

Nakita malapit sa bangkay ng biktima ang isang tubo na may bahid ng dugo na sinasabing pinanghataw sa ulo nito na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya hinggil sa insidente.  Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply