Dagdag-buwis sa alak, sigarilyo kinontra

NAGPAHAYAG ng matinding pagtutol ang mga kongresista sa napipintong panibagong pagtataas ng buwis sa alak at sigarilyo na isinusulong ng National Economic and Development Authority (Neda).

Ayon kay La Union Rep. Victor Ortega, pinapalagan ng mga kongresista ang panukala ng Neda na panibagong buwis sa alak at sigarilyo.

Aniya, ang panukalang pagpare-parehuin na lamang ang presyo ng sigarilyo ay “highly oppressive, particularly for the tobacco industry, which has been generating income that is even beyond the government’s expected target.”

Binigyang-diin ng kongresista, na nagmula sa lugar na may pinakamaraming produkto ng tabako, na ang gobyerno ay may koleksyon na P2.406 bilyon sa excise tax ng sigarilyo at alak mula Enero hanggang Agosto.

Noong nakaraang taon ay kumolekta ang gobyerno ng P2.839 bilyon, na mas mataas ng siyam na porsyento, kumpara sa unang target ng pamahalaan na P1.578 bilyon, batay na rin sa ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Giit naman ni Ilocos Sur Rep. Eric Singson, hindi maaaring ipabalikat ng gobyerno ang target nitong koleksyon sa buwis ng sigarilyo at alak. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply