Dahil broken-hearted na naman: Echo tinamad magtrabaho

BROKEN hearted na naman si Jericho Rosales kaya daw wala na naman daw ito sa mood para mag-work.

Hindi na nga raw sinusuwerte si Echo sa ngalan ng pag ibig tila dito siya hindi nagtatagumpay?

Kapansin-pansin naman ang pagiging matamlay at walang gana si Echo para sa bago nitong teleserye. Kaya naman marami ang nagulat sa pagiging malungkutin nitong nagdaang araw ayon pa sa ating tsismosang kapitbahay.

Hindi naman daw siya ganito sa mga past gf nito na sina Kristine Hermosa at Heart Evangelista.

Iba raw ang pag ibig nito sa gf na si Cheska na ngayon ay split na ang dalawa nag-aalala naman ang mga nagmamahal dito kay  Echo na baka raw maapektuhan ang career nito habang baon na baon pa siya sa pag ibig kay Cheska.

Need naman daw na mag-move nitong si Echo at buong ningning na tanggapin na hindi sila para sa isa’t isa. Mismo ang bagong leading ladies ni Echo na si Anne Curtis at kampo nito ay nagpayo na kailangan na huwag tumigil ang mundo nito at kailangan na umikot ito.

Ayon naman sa aming tsismosang kapitbahay hindi pa tanggap ni Echo na wala na sila ng kanyang gf na si Cheska.

Lungkot naman ang kampo ng mga ex-gf ni Echo na si Tintin at Heart sa pangyayari na broken-hearted ang kanilang ex na si Jericho.

Kapag hindi nga raw naka moved on itong si Echo at apektado ang work ay sayang at baka ibigay ang project sa ibang talent ng Star Magic.

Tsk! Tsk! Tsk!

GARY V., APEKTADO SA DUMARAMING FOREIGN ARTIST NA NAGKO-CONCERT SA ATING BANSA

PANSIN na nga raw ng Mr. Pure Energy ang paghina at paglamlam ng pagtanggap ng karaketan ng ating OPM artist lalo na si Gary.

Dagsa na nga raw ang nagko-concert dito sa ating bansa at hindi na ito natitinag at super mega fully-booked nga raw ang Araneta Coliseum sa Cubao.

Ilang mga kilalang singer abroad na nga ang nagperform at nag- concert sa naturang venue at nangangamba naman ang singer-host-actor na si Gary sa paglamlam ng mga career ng mga OPM artist.

Ito nga raw ang unti-unting pumapatay sa local music industry ang patuloy at hindi mapigil na pagko concert ng mga foriegn artist sa ating bansa.

Kaya naman hindi kataka-taka na mangamba si Gary sa patuloy na paglubog ng kanilang samahan na mga lokal na singer sa ating bansa.

Natatakot naman itong si Mr. Pure Energy sa pagdating ni Justine Bieber na mas lalong magpapalubog sa mga local artist natin dito sa Pinas.

Masyado na raw iniidolo ng ating mga kababayan ang mga banyagang singer kaysa sa sariling atin na mga singer.

Gusto naman ng ilang OPM artist sa arting bansa na ma control ang pagdagsa at pagdami ng concert ng mga foreign artist dito sa ating bansa.

Well, well, well…

May magawa naman kaya ang concern ni Gary para sa kanilang mga OPM artist dito sa Pinas.

Abangan!

KC, GUSTONG SUNDAN ANG YAPAK NG KANYANG ATE NICOLE

Hindi ikinakaila ng batang si KC na idol na idol niya ang kanyang Ate Nicole Infante.

Kaya naman gusto din niyang maging mahusay na singer tulad ng kanyang Ate Nicole na marami nang nalabasan na show.
Bilib naman si KC sa kakaibang style ng pag-awit ng kanyang pinsan kaya naman super mega support naman si KC kapag may mga shows ang kanyang Ate Nicole kasama ang ina ni Nicole at tita ni KC na si Mommy Carol.

May mga ilang kanta na rin na alam si KC na talaga naman bibilib ka sa gandang boses na ito ng anak ni Rose at hindi kataka-taka kung pasukin at i-invade din ni KC ang showbiz at sundan ang yapak ng mga kamag-anak na sina Assunta at Alessandra De Rossi dahil ang tatay ni KC ay pinsan ang magkapatid na De Rossi. Bonggacious, ang KC!
Abangan!Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply