Dahil kay Pacquiao: Baguio binaha ng turista

Lalong nilusob ng mga turista ang Baguio City at karatig probinsiya ng Benguet dahil kay Manny Pacman Pacquiao na nagsasagawa  ngayon ng dibdibang ensayo sa City of Pines bilang paghahanda sa nalalapit niyang laban kontra kay former 3-time world champion Antonio Margarito.

Ayon kay Gabby Keith mula sa City Tourism Office, ito ay dahil sa maraming mga foreign at national media na dumarayo kasama na ang iba’t ibang turista para saksihan ang ensayo nito at makita ng personal ang kanilang idolo.

Idinagdag pa nito na kung ganitong mga panahon ay hindi gaanong marami ang mga turista na umaakyat dito sa siyudad.

Ngunit dahil nasa siyudad ang Pinoy ring superstar, nagiging sentro ng atensyon ang Baguio di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Dahil dito, sinabi ni Keith na malaking tulong ang presensya ni Pacquiao na maibangon muli ang turismo ng siyudad na nasira noong panahon ng bagyong Pepeng.

Sa panig naman ng ensayo ni Pacman, may sparring session ito mamayang hapon laban kina Panamanian boxer Glenn Tapia at si Mexican fighter Michael Medina.

Samantala, sinabi ni trainer Freddie Roach na nabawasan na ang jogging exercises ni Pacquiao upang ‘di masyadong bumaba ang timbang nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply