Dahil sa ‘blade boxing scandal’: Pinoy boxers ‘di na papasukin sa Mexico

NAGNGINGITNGIT umano sa galit ang mga Mehikano nang mabunyag ang pandaraya ni Wilbert Uicab sa laban nito noong Sept. 17 kay dating Pinoy WBC world champ Edrin Dapudong.

Ayon kay Cebu-based boxing promoter Samson Gelloani, tumatanggi na rin si Uruguayan boxing promoter Sampson Lewkowicz sa paglalatag ng mga laban ng mga Pinoy boxer dahil nga sa galit ng mga Mexicans doon.

Ang reaksiyon ng mga Mehikano ay lumabas nang ipag-utos ni World Boxing Council (WBC) President Jose Sulaiman ang pag-imbestiga sa kontrobersiya sa sinapit ni Dapudong sa kamay ni Uicab.

Ang usapin ay nakatakda na ring ilatag ni Sulaiman sa gaganaping WBC annual convention sa Cancun bago matapos ang buwang ito.

Una nang ikinagalit ng kampo ni Dapudong ang sinapit ng Pinoy champ matapos ang laban kung saan nagtamo ito ng sangkaterbang mumunting sugat sa mga braso at iba pang parte ng katawan na parang hiniwa ng blade o karayom.

Ayon sa mga Mexicano, hindi umano magagawa ito ni Uicab sa Pinoy at katunayan ay higit pa sa bisita ang pagtrato na ginawa nila kay Dapudong nang dumayo ito roon.

Binigyang diin naman ng kampo ni Dapudong na napaghahalatang maliwanag pa sa sikat ng araw
na pawang kaplastikan ang ipinakita sa kanila ng mga Mehikano.

“The phrase Friendly Mexicans actually referred to the Uicab camp members who appeared friendly but who in fact had a bagful of dirty tricks going into that fight with Dapudong,” ayon sa kampo ni Dapudong. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply