Dakpin ninyo ang mga drug pusher sa Las Piñas

Ang mga drug pusher naman ng T.S. Cruz, Las Pi-ñas na parang nagtitinda lang ng kendi sa mga durugista sa nasabing lugar ang kakantihin natin.

Nagtataka lang ako kay  Las Piñas Chief of Police Supt. Jaime Juadines kung bakit hindi ito kumikilos para dakpin ang mga tulak sa nasabing lugar.

Hindi ko sinasabi na ‘inutil’ si kernel, ang lubos ko lang na pinagtatakhan ay  kung bakit hindi niya madakip ang mga tulak na sina Benji, Aw at Tuyay riyan.

Imposible namang hindi alam ni colonel na ang mga nagtutulak ng droga sa nasasakupan niya ay sina Benjie, Aw at Tuyay.

Colonel, para sa kaalaman ninyo basahin ninyo ang nilalaman ng text message na ito.

Gud evening, sir Johnny. Hingi lang sana ako ng tulong para mahuli ang mga drug pusher na sina Benjie, Aw at Tuyay sa aming lugar sa T.S. Cruz, Las Piñas.

Talamak na kasi ang bentahan dito, para ka na lang bumibili ng candy sa tindahan kasi lantaran kung magbenta ng shabu at marijuana ang mga pusher na yan. Pati ho mga kabataan ay nagtutulak na rin ng marijuana.

Sana ay maaksyunan ninyo ang aking sumbong.

Maraming salamat.Wag ninyo ng ilathala ang aking  # para sa kaligtasan ko.

OPISYAL NG  RMG HULI-LAGAY

Sino itong isang Col. Spine ng RMG-Bicutan na walang tigil sa kakaharabas ng mga sugalan at club sa Metro Manila kaya paldong-paldo ang kaliwat kanang  bulsa  nito?

Maging ang tiyan niya ay nagkakandabundat-bundat dahil sa kabusugan.

Aba, kawawa naman ang kaibigang kong si NC-RPO chief Gen. Nicanor Bartolome, baka binubukulan na ni Col. Spine.

Gen. Bart, kung kinakailangan  na mag-helmet ka para hindi ka mabukulan ng opisyal mo ay gawin mo!

oOo

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply