Dalagita ginawang punching bag ng amo

HALOS magsara ang mata at puno ng pasa at sugat ang katawan ng isang dalagita dahil sa pananakit ng amo kamakalawa ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Isinumbong ni Nenita (hindi totoong pangalan), 17, tubong North Cotabato ang kanyang among si Rosa So, 63, ng Sunshine condominium, sa Claro M. Recto, Aquilar st. ng nasabing lungsod.

Ayon kay Chairman Vic Tan ng Brgy.294 Zone 28, District 3, dakong alas-dose ng tanghali kamakalawa nang muling maltratuhin ng suspek ang biktima sa loob ng nabanggit na condominium.

Nakatakas lamang sa kamay ng amo ang biktima nang nagsisigaw ito papalabas ng bahay at nakaagaw ng atensyon sa ilang residente.

Nabatid na noong nakaraang Marso nang ipasok ang biktima ng isang kababayan sa Neo Industry Agency sa 10th Ave., Caloocan City.

Ayon sa biktima, araw-araw siyang sinasaktan ni So mula nang siya’y mamasukan dito.

Anito, hindi rin ibinibigay ng kanyang amo ang napagkasunduang P2,500 na buwanang suweldo sa loob ng pitong buwan.

Isinailalim ang biktima sa medical check-up sa Mother and Child Hospital dahil sa tinamo nitong matinding pasa at sugat sa katawan, habang nakulong sa MPD-Station 11  ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply