Dalagita nilamas ng stepdad

BUMAGSAK sa rehas na bakal ang isang mister dahil sa pangmomolestiya sa sariling anak-anakan.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness si Nilo Bonita, 44, residente ng 10-12 E Jacinto st., Brgy. Concepcion, Malabon City.

Ang biktima, na itinago sa alyas na Marisa, 17, college student, ay sinamahan ng kanyang mga kapatid sa himpilan ng pulisya upang pormal na magsampa ng kaso.

Base sa impormasyon, ganap na alas-diyes ng umaga nang maganap ang pangmomolestiya sa biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon sa dalagita, nakaupo ang kanyang amain sa double deck habang siya ay nakatayo sa harapan nito at nag-uusap nang bigla na lang siyang kinabig patalikod at pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Pagkatapos nito ay mabilis na kinuha ng biktima ang kanyang bag at umalis ng bahay upang pumasok sa paaralan.

Pag-uwi niya sa kanilang tahanan ay kaagad itong dumiretso sa kanyang mga kapatid at ipinagtapat ang ginawang kamanyakan ng amain. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply