Dalagita nilason ng syota

MAAGANG kinuha ni Kamatayan ang isang dalagita nang painumin ito ng lason ng kanyang boyfriend matapos na makipaghiwalay ang una.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital (JRMMH) ang biktimang nakilalang si Anjanette Ramos, 17, ng 152 A. Palon st.,  Caloocan City.

Isang alyas “Jordan” ang kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad matapos na ituro ito na naglason sa biktima.

Base sa pinagsamang ulat nina PO2 Felipe Woo at PO2 Jonathan David, bandang alas-kwatro ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Base sa salaysay ng dalawang kaibigan ng biktima na sina Joan McClave at Jocelyn Manalastas, nadatnan nila ang biktima sa  bahay na nagsusuka.

Mabilis na dinala ng dalawang saksi ang biktima sa pagamutan, subalit namatay din habang nilalapatan ng lunas.

Bago malagutan ng hininga ang biktima ay nasabi nito sa kanyang dalawang kaibigan na nilagyan ng kanyang boyfriend ng lason ang baso ng alak na kanyang ininom. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply