Dalawang carnapper timbog sa gun ban

ISINAILALIM sa masusing interogasyon ng pulisya ang dalawang lalaking nadakip kamakalawa ng hapon sa Pasay City dahil sa pag-iingat ng hindi lisensiyadong baril.

Gayundin, natuklasang walang rekord sa Land Transportation Office (LTO) ang ibinebenta ng dalawa na bagong Toyota Fortuner.

Sina Richard Villanueva, 37, ng Lot 3, Blk. 31, Brgy. Kingspoint, San Nicolas, Quezon City, at Alfred Medina, 48, ng  5 Tulayan st.,Tandang Sora, ng nasabi ring lungsod.

Ang dalawa ay nadakip nina Chief Insp. Raymund Liguden sa isang gas station sa Andrew Avenue sa harap ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang inaalok sa casino financier ang dala nilang sasakyan na may plakang ZLD-326.

Sinabi ni Liguden na nakatanggap siya ng impormasyon hinggil sa kahina-hinalang transaksiyon ng dalawa matapos ialok sa halagang P700,000 lamang ang mahigit P1-milyon sasakyan sa casino financier, na hindi nagpabanggit ng pangalan.

Kaagad na bineripika ni Liguden sa LTO ang plaka ng sasakyan at dito natuklasan na walang rekord sa naturang ahensiya.

Agad niyang sinita ang dalawa habang nasa isang gas station. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply