Danita Paner, inamin ang relasyon kay JC de Vera

SA KAUNA-UNAHANG daily series ng TV5, ang “My Driver Sweet Lover” ini-launch ang loveteam nina Danita Paner at JC de Vera at hindi maiiwasan na iuugnay ang dalawa.

“I adore him so much. He’s God-fearing,” patungkol ni Danita kay JC.

Kung sakaling manligaw si JC sa singer/actress, may pag-asa kaya? Mayroon naman daw pero mas importante na pagtuunan muna nila ang kanilang trabaho. Katunayan mayroong iniintriga na ang dalawa.

Tinawag daw na ‘Baby’ si Danita ni JC.

Pinabulaanan naman ito ng dalaga ni Daisy Romualdez, kundi isang tunay na pagkakaibigan lang. Yes, friends lang sila, huh!

Bukod kina Danita at JC, kasama rin dito sina Richard Gomez, Arci Munoz, Eric Quizon, Eddie Gutierrez, Nova Villa, Pilita Corrales at Dina Bonnevie.

Nariyan din sina Keempee de Leon, Epi Quizon, Yayo Aguila, Ruby Rodriguez, Tom Rodriguez, Carla Humpries, BJ Forbes, Meg Imperial, Chris Pasturan, Alyanna Asistio, JR de Guzman, Cai Cortez, Kristel Goodwin at Ramon Christopher. Sa direksyon nina Eric Quizon at Soxie Topacio. Magsisimula na ngayong Lunes sa TV5.

CAST NG EMIL CRUZ JR.’S  “MARA CLARA”, INIHAYAG NA

Sa mga nakaraang taong naging matagumpay ang ABS-CBN sa pagre-remake ng ilang hit Asianovela (My Girl, Lovers in Paris at Only You) at ng Mexicanovela (Rubi). Ngayon, sasabak na naman ito sa isang hamon sa kanilang pag-remake ng isa sa highest-rated primetime soap operas sa bansa at lubos na minahal na teleserye noong dekada nobenta kung saan umere ito ng limang taon sa nasabing istasyon, ang ‘Emil Cruz Jr.’s Mara Clara.’

Ang fast-rising stars na sina Kathryn Bernardo na gaganap bilang Mara at si Julia Montes na gaganap bilang Clara ang mga susunod sa yapak ng mga orihinal na Mara Clara stars na sina Judy Ann Santos, ang tinaguriang Queen of Soap Opera, at si Gladys Reyes, na isa sa pinaka-mahusay at epektibong kontrabida ng sa Philippine TV.

“Sobrang happy po ako dahil sa dami ng artista na pwede nilang piliin for this role, ako yung pinili nila. Yung ‘Mara Clara’ ay ‘mother of all teleseryes’ at saka five years po siyang tumakbo kaya sobrang happy ako na ako yung pinagkatiwalaan na gumanap as Mara,” pahayag ni Kathryn sa interview.

Bibigyang kulay ng iba pang cast members ang mga karakter na siyang tumatak na sa kasaysayan ng Pinoy soap opera: Bobby Andrews bilang Amante (formerly portrayed by Juan Rodrigo), Ping Medina bilang Kardo (formerly played by Dan Fernandez), John Manalo bilang Eris (formerly played by Christopher Rojas), Albi Casino bilang Christian (formerly portrayed by Wowie de Guzman), Chokoleit bilang CG (Eagle Riggs) , Jhong Hilario bilang Gary (formerly portrayed by Eruel Tongco), Mylene Dizon bilang Susan (formerly played by Susan Africa), at Ms. Gina Pareno.

Nagpahayag naman si Gladys ng kanyang saloobin sa muling pagbibigay buhay sa seryeng nagbigay sa kanya ng malaking break noong 90’s,
“For five years, sinasampal ko si Juday (Judy Anne Santos) ngayon, gusto kong abangan kung paano papahirapan ni Julia si Kathryn sa remake ng Mara Clara. Sus ko, after so many years, I’ll be watching it (Mara Clara) again hindi na nga lang sarili ko yung makikita ko. But I’m thrilled by the idea.”

Abangan ang muling pagsubong ng Mara Clara. Malapit na. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply