Deles ire-rescue ng kaalyado ni PNoy

AAPELA ang Malakanyang sa mga kaalyado ni Pangulong  Aquino  sa Kongreso na bawiin ang resolusyon na humihiling ng pagbibitiw sa puwesto ni Sec. Teresita “Ding” Geles bilang Presidential Peace Adviser.

Nag-ugat ang panawagan na sibakin sa puwesto si Sec. Geles nang di umano’y bastusin nito si Lanao Del Norte Fatima Aliah Dimaporo.

Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na inihahanda na nila ngayong linggo ang pakikipagpulong sa mga Muslim leaders at mga kongresista para sa usaping ito.

Wala namang ideya si Ochoa kung ia-apela rin nila ang ibinigay na P1.00 budget sa OPAPP.

“I’m not sure if that really happened kasi ‘di ba during the interpellation, we have to wait for the final outcome of the budget deliberations. So palagay ko marami pang processes that Congress will go through before it is finalized,” aniya pa rin.

Sa ulat, lusot na sa Kongreso ang  2011 proposed national budget kahapon ng madaling araw.

Sinasabing napanatili nito ang malaking alokasyon para sa conditional cash transfer sa kabila ng pagpuna ng ilang mga kongresista.

Nakalusot ang  P21-billion CCT Program sa ilalim ng Department of Social welfare of Development na inendorso ng isang mambabatas mula sa Mindanao.

Una rito, pansamantalang sinuspinde ang budget deliberation makaraang maghain ng mosyon si Maguindanao Congressman Simeon Datumanong na itigil ang pagtalakay sa budget ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP).

Naging isyu rin ang pambabastos ni OPAPP Sec. Teresita ‘Ding’ Deles kay Lanao Del Norte Fatima Aliah Dimaporo.

Will you appeal to your allies in Congress to take back the resolution asking for Deles’ resignation? Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply