Delivery boy ng karne inatado sa palengke

SINAKSAK ang isang helper sa palengke ng kapwa katrabahador habang naghahanda ng paninda,sa Brgy San Roque,Cavite City.

Sa ulat na nakalap nakilala ang biktima na si Rene Boy Beran, 38 anyos, binata, helper at nakatira sa 806 Innocencio San Roque ng naturang lugar, mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas Bong.

Ayon sa ginawang imbestigasyon ng pulisya dakong alas 3:25 ng madaling araw habang nag-aayos ng panindang karne ang biktima sa slaughter house ay walang sabi-sabing inundayan ng saksak ng suspek ang biktima sa dibdib na sanhi ng kamatayan nito

Nabatid naman sa imbestigasyon ni PO1 Rizal Calle, dahil lang  sa hindi pagkakaintindihan ang naging motibo  kaya sinaksak ng suspek ang kawawang biktima.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ng pulisya sa agarang ikadarakip ng nakatakas na suspek. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply