DEPED MEDIA, KAMPEON SA NPC BADMINTON TOURNAMENT

NAGAWANG maagaw ng Department of Education (DepEd) media badminton team ang kampeonato buhat sa nagtatanggol na Pilipino Star Ngayon (PSN) shuttlers makaraang igupo ito, 3-0 sa final match ng 3rd National Press Club Media Badminton Championships, kamakalawa sa Rizal Memorial Stadium.

Unang iginupo ng tambalang Emil Tiangco (TV5) at Levi Aguilar (ABS-CBN) sina Lloyd Galicia at Mike Agumbay (Star) sa Men’s doubles na sinundan ng panalo ng tambalang Zyann Ambrosio (ABS-CBN) at Chie Aguilar (ABS-CBN) nang talunin sina Dahlia Saguid at Nikki Gabitan-Cordero.

Kinumpleto ng DepEd Media ang pamamayani nang isarado rin ang pintuan sa Mixed Doubles event nang pataubin ng tambalang Danilo Garcia (Pilpino Star Ngayon) at Ellen Fajardo (ABS-CBN) sina Mario Baguio at Bhabes Adriano ng Star Group.

Pawang mga tinanghal na kampeon sina Tiangco at Levi Aguilar (men’s doubles); Ambrosio at Chie Aguilar (ladies doubles) at Garcia at Fajardo (mixed doubles).  Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Jorge Bandola (NBN-4) at Jessica Cruz (ABS-CBN) na nagwagi naman kontra Malaya sa mixed doubles sa semi-finals.

Sinuportahan ang koponan ng Department of Education at ng Hotel Sogo Corporation.

Iniuwi ng Pilpino Star ang runner-up trophy habang tinanghal na 2nd at 3rd runner-up ang National Press Club-A at Malaya, ayon sa pagkakasunod.

Ang naturang torneyo ay bahagi ng ika-58 anibersaryo ng NPC at susundan pa ng 1st Media Fun Run sa Oktubre 24.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply