10 personalidad kakasuhan sa IIRC report

HUMIGIT-KUMULANG sa 10 personalidad ang kakasuhan kaugnay  sa madugong hostage taking incident sa Quirino Grandstand, Maynila.

“More or less 10, as I said, we are adopting majority or more of the IIRC report. Thereabouts, more or less,” ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Eduardo de Mesa.

Sa darating na Lunes, Oktubre 11 ay posibleng ihayag na ni Pangulong  Aquino  ang kanyang desisyon sa naging pag-aaral ng kanyang legal team sa naging rekumendasyon ng IIRC team ukol sa madugong hostage taking incident sa Quirino Grandstand, Maynila.

Ayon kay de Mesa,  patuloy na isinasa-pinal ang report ng IIRC at nakatakda ngang ihayag ito ng Pangulong Aquino sa nasabing petsa.

“We’re just fine-tuning, editing it and… we will finalize it by… You will have it by Monday probably,” ayon kay de Mesa.

At kung may nabago sa ihahayag ng Pangulong Aquino ay sinabi ni de Mesa na may kaunting pagbabago.

“More or less he’s already made up… It’s almost complete. So we’ll just come out with it on Monday.  Actually, he wants to be sure that if cases are to be filed that they will prosper and that we will not unnecessarily charge anybody,” dagdag ni de Mesa. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply