‘Detoxifying’

ALAM mo ba na ang prutas, gulay at mga lamang-ugat ay nakapaglilinis ng ating katawan?  Ito ang tinatawag na ‘detoxifying’ o ‘cleansing’.

Ano nga ba ang nagagawa nito sa katawan? Ito ang proseso ng pagbabago ng  ating diet para bigyan ng pagkakaktaon ang ating katawan na pansamantalang makalaya, makapagpahinga at makapag-relax mula sa mga ‘toxins’ na namahay na sa loob ng katawan sa loob ng ilang buwan o taon.

Ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI), isang ahensiya ng Department of Science and Technology, gaano man kalusog ang ating kinakain o diet, lantad pa rin ang ating katawan kada araw sa iba’t-ibang nakasasamang lason.  “Heavy metals, pollutants, chemicals, radiation and drugs  all contribute to the insidious build-up of toxins in the body.”

Wala namang itinatadhanang skedyul sa isang taon kung kelan isasagawa ang paglilinis o ‘detoxifuing’.

Ipinapayo ng ahensiya na mas makabubuti na isagawa ito tuwing pagkatapos ng pista at iba pang malalaking handaan na nakatutuksong kumain ng higit sa kailangan ng katawan.  Mga pagkaing matataba, matamis at processed foods.

Habang humaharap tayo sa hamon ng pagda-diet, hindi maituturing na ‘nagkakataon’ lamang ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng kanser, sakit sa puso, diabetes.

Base sa pag-aaral ng FNRI, bumababa ang ‘habit’ na pagkain ng prutas, gulay at mga lamang-ugat o root crops nating mga Pilipino.

Nakasaad sa ikalimang gabay sa ‘Nutritional Guidelines for Filipinos’ ang kumain ng maraming prutas, gulay at lamang-ugat.

Ang pagkain ng mga naturang pagkain ay isa sa mga napatunaya nang mabisang rekomendasyon para sa isang malusog na diet.

Nagsusuplay ito ng masaganang bitamina, minerals at dietary fibers na kulang sa isang diet ng Pinoy.

Dagdag pa dito, nililinis ng prutas, gulay at rootcrops ang ‘toxins’ o lason sa ating katawan na matagal nang namalagi sa loob.

Taglay nito ang mga kinakailangang nutrient bilang panlaban sa mga mapanganib na sakit gaya ng sakit sa puso, stroke, high blood pressure, ilang uri ng kanser,  ‘diverticulitis’ (sakit sa bituka), cataract na karaniwang sanhi ng pagkawala ng paningin.

Mag-aalinlangan ka pa ba?  Subukan ang mga sumusunod na tips para sa iyong healthy-diet:

1. Ilagay ang mga prutas sa mga lugar na madali mong makita para maengganyo kang kumain nito.  Ilabas ito sa refrigerator.

2. Siguruhin na may gulay at root crops ka tuwing kakain.  Sanayin na kalati ng plato mo ay gulay at ¼ ang rootcrop.  “Serving salads or other vegetables and root crops makes it easier to reach this goal.”

3. Ugaliin din ang pagmemeryanda ng gulay, prutas at root crops.Ang isang tasa ng melon, piraso ng pipino at nilagang kamote o kamoteng-kahoy at saging ay mainam na pamalit sa isang hiwa ng pizza o cookies.

4. “Make it a meal.”  Sumubok ng mga bagong recipe taglay ang gulay at abot-kay ng bulsa.  Lalo na ang mga berdeng gulay, dilaw o prutas.

Higit sa lahat, ayon sa FNRI, upang maging matagumpay ang ‘cleansing’, ugaliin ang regular ‘deep breathing’ at ehersisyo.

Sigurado, ang kumbinasyon ng ganitong lifestyle ay makatutulong na ma-enjoy mo ang simpleng buhay at tamasahin ang gantimpala ng iyong kalusugan, enerhiya at pagiging masigla.

Mais mainam sa may diabetes

Itinuturing na 2nd food o pangalalwa sa mga pangunahing pagkain ng Pinoy ang mais.

Base sa 2003 Food Consumption Survey ng FNRI, 3.5 porsyento ng kabuuang kinakain ng mga Pilipino ay galing sa mais at mga produkto nito na tumitimbang ng 31 gramo o kulang pa sa kalahating tasa.

Sa Central Visayas, ang karaniwang pagkain ng mais ay nasa 136 gramo.  Sa Northern Mindanao, ito ay nasa 116 gramo at sa Zamboanga Peninsula ay 133 gramo.  Sa ngayon, dilaw at puti ang pinaka-popular na mais.

Mas malalaki ang butil ng dilaw na mais kesa sa puti pero mas matamis.  Maaaring ipakain sa tao at hayop ang parehong variety.

Sagana sa bitamina, mineral at dietary fiber para sa maayos na pagdumi at tumutulong na makapagpababa sa kolesterol.

Maliban sa sustansiyang taglay ng mais, marami din itong magandang dulot sa ating kalusugan.

Mas mababa sa glycemic index ng puting mais. Ang glycemic index (GI) ay ranking ng mga pagkain batay sa blood glucose response ng pagkain kumpara sa standard glucose solution na ang sukatan ay mula 0 hanggang 100.

Ang mga pagkain na mas mataas sa 55, ang GI ay ang madaling matunaw o mabilis na nakapagpapataas ng glucose sa dugo.

Ang mga pagkain naman na mas mababa sa 55 ang GI ay mabagal matunaw at dahan-dahang itinataas ang glucose sa dugo.

Nakatutulong naman ang mga pagkaing mababa ang GI ay nakatutulong sa wastong pangangalaga at pagkontrol ng timbang at gana sa pagkain.  Hindi agad nagugutom ang isang tao, kaya kontrolado ang pagkakaroon ng diabetes.

Batay sa mga pag-aaral, ang mga pagkaing mababa ang GI ay tumutulong upang bumuti ang lebel ng glusoce at taba sa dugo ng mga taong may diabetes.

Pinananatili din nito ang lakas ng mga atleta o manlalaro dahil sa unti-unting paggamit ng enerhiya mula sa muscles.

Kaya nga ba, hindi nakapagtataka kung bakit maraming boksingero at runner ang regular na suki na ng mais.

Paraan ng paghahanda o paggamit ng mais:

* Corn on the cob.  Pinasignawan, nilaga o inihaw.
* Corn kernels.  Maaaring gawing side dish ng inihaw na manok o spareribs.
* Corn kernels.  Bilang sangkapsa sabaw, casseroles, pudding, at relishes
* Corn kernels.  Para sa mais con yelo.
* Baby corn para sa mga luting Thai at Chines gaya ng chopsuey.

Gulay laban sa malnutrisyon

HINIKAYAT ni Senador Edgardo Angara ang sambayanan partikular ang mga kabataan na ugaling kumain ng gulay upang tapusin ang isa sa pinakamalaking suliranin ngayon sa Pilipinas – ang malnutrisyon.

Sa pag-aaral mula sa Food and Agriculture Organization ng UN, nangunguna sa nutritional problem ngayon ng Pilipinas;  ang kakulangan sa mga pagkaing mayaman sa protina at micronutrients, dahilan, kung bakit patuloy sa pagtaas ang antas ng malnutrisyon sa bansa.

Dahil dito inilunsad ng mamababatas ang proyektong Oh My Gulay!  (OMG!).. Layunin nitong itanim sa isipan ng mga kabataan lalo na sa mga paslit ang kahalagahan ng gulay sa kalusugan ng isang tao.

Ayon kay Angara, base sa kanyang sariling karanasan, magiging interesado ang isang bata sa isang bagay kung may personal itong pakikialam sa isang aktibidad katulad ng pagtatanim ng gulay. Posibleng sa katuwaan nitong makita ang paglaki ng kanyang tanim na gulay ay mae-engganyo rin itong kainin ito at ipagmalaking ito ay sarili niyang pananim.

Ito ang inspirasyon ng OMG sa layunin nitong makapagturo sa elementarya at sekondarya ng pagtatanim ng gulay, vegetable gardening projects at pamimigay ng mga pasibol na pananim at mga buto ng gulay.  Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply