Dinky minumulto ng PEACe bonds

HINDI dapat ipagkatiwala kay Social Works Secretary Corazon “Dinky” Soliman ang alokasyong P21 bilyon para sa Conditional Cash Transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil nasangkot na ito sa kontrobersyal na P10-bilyon Poverty Eradication and Alleviation Certificate (PEACe) bonds.

Iginiit din ni Gabriela Rep. Luz Ilagan na kailangang imbestigahan ng Truth Commission na pinamumunuan ni retired Supreme Court Chief Justice Hilario Davide si Soliman na dati ring appointee ni dating pangulong Arroyo at hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa administrasyong Aquino.

“Dinky has not been thoroughly cleared of the issue.  It has been hounding her.  With the huge CCT funds and her past track record with CODE-NGO, a proper inquiry should be made to remove perception of favoritism and promote transparency,” giit pa ni Ilagan.

Ang DSWD ay may alokasyong P34.3-bilyon sa susunod na taon na halos doble ng badyet nito para sa taong ito. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply