Docena Kampeon sa 1st Saturday Chess fest

MULING kinopo ni Far Eastern University (FEU) star player Jerad Docena ang korona ika-33 edition ng 1st   Saturday chess fest nitong Sabado sa 4/F Perez bldg. Dona  Soledad sa Better Living Paranaque City.

Ang 12-anyos na si Docena ay nakababatang kapatid ni Jedara Docena na kasalukuyang  sumasabak sa World Chess Olympiad sa Russia.

Nadomina rin I Jerad ng Tagbilaran City  ang 1st Rotary District Rapid Chess Tourney sa MOA kontra sa mga katunggaling may matataas na rankings upang muling bigyan ng karangalan ang paaralan.

Tumanggap si Jerad ng P 3,000 at tropeo, ang pumangalawang si Joselito Alejano  at ang ikatlong pwesto na si Harell Abedin ay naghati sa P3,000 at tumanggap ng tig-isang tropeo.

Ang torneong ay inorganisa ng Barangay Don Bosco Chess Club sa panguguna ni Dr.Bong Perez at arbiter Cecil Padua.

Ang mga sponsors nagbigay ng tulong sa torneo ay sina Paranaque city  Mayor Florencio Bernabe, Vice Mayor Gus tambunting, Congressman Roilo Golez ,Brgy Chairman Jun Virata , Boy Francisco, Coca Cola, Councilors Benjo Bernabe, Baby Bustamante, Ryan Yllana, Val Sotto, Doods Antipuesto, Jason Webb, Beng Amurao, Cho Villar, Filway Prexy Hector Tagaysay, Jollibee, Greenwich, Pizza Hut, Shakey’s at Tropical Hut.  Genie Villota

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply