DOJ suko kay Sen. Panfilo Lacson

AMINADO  ang Department of Justice (DoJ) na sa kabila ng pina-igting na operasyon ng special team na naghahanap kay Sen. Panfilo Lacson ay bigo pa rin ito na makakuha ng anumang impormasyon sa kinaroroonan nito.

Gayunpaman, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi sila nawawalan ng pag-asa.

“We are dead set in locating Senator Lacson,”  wika  ni De Lima.

Sinabi niyang tuloy-tuloy ang kanilang paghanap sa senador at umaasa silang sa mga susunod na araw ay magkakaroon din ng positibong impormasyon sa kaso.

Una nang pinlano ng DoJ na bumuo ng Task Force na tututok sa kaso ni Lacson, subalit sa pagsagguni sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ay napagkasunduan na maaari nang kumilos  ang binuong special team at paigtingin na lamang ang paghahanap.

Si Lacson ay lumabas ng bansa noong nakaraang Enero 5 patungo sa Hong Kong, subalit pagkaraan nito ay wala nang impormasyon ang pamahalaan sa posibleng kinaroroonan nito sa kabila ng pagkansela na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pasaporte nito. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply