Dole OK na kay Baldoz

SA WAKAS ay tinanggap na rin ni Secretary Rosalinda Baldoz ang appointment bilang permanenteng kalihim ng Department of Labor and Employment (Dole).

Sa idinaos na 10th National Philippines Employment Service Office Congress sa Ballrooms 1-3, Taal Vista Hotel, Aginaldo Highway, Tagaytay City ay sinabi ni Pangulong  Aquino  na labis siyang natutuwa dahil tinanggap na ni Baldoz ang nasabing posisyon.

Matatandaang  ayaw tanggapin noon ni Baldoz ang nasabing puwesto dahil nais nitong ma-appoint lamang sa isang attached agency ng Dole pero pinakiusapan siya ng Punong Ehekutibo.

Magkakaroon  na ng pansamantalang hanapbuhay ang mga walang trabaho sa mga infrastructure projects ng gobyerno.

Ito’y dahil muling bubuhayin ng Pangulong Aquino ang emergency employment program.

Aniya, ipapaayos nito ang career guidelines ng mga mag-aaral at iparerepaso ang school curriculum para maitama ang career na kukunin ng mga estudyante sa pangangailangan ng mga employer. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply