Domingo bigo sa IBF eliminator

HINDI pinaporma ni South African Vusi Malinga si Pinoy boxer Michael Domingo matapos manalo ng 12 round majority points decision sa sagupaan nila kahapon sa Mafikeng University Hall sa Mafikeng sa nasabing bansa.

Ang banatang iyon ng dalawa ay isang eliminator para sa IBF bantamweight title.

Sina Judge Miroslav Brazio (Poland) at Jaap van Nieuwenhuizen (South Africa) ay nagtala ng scores na 117-111 at 115-113 para kay Malinga at si judge Neville Hotz (South Africa) ay nagmarka naman ng 114-114.

Ang southpaw na si Malinga (53.08kg) na rated number nine ng IBF ay mahina sa umpisa.

Katunayan ay lamang si Domingo sa unang tatlong rounds bago sinimulan ang pagkana sa round four hanggang sa rounds five at six bago pinarusahan si Domingo (53.30kg) sa seventh at eighth rounds.

Dumugo pa ang ilong ni Domingo kaya  binago niya ang mga taktika sa round nine at tinangkang makaganti sa nasabing round hanggang sa tenth.

Subalit nang sumapit na ang rounds eleven at twelve ay doon na napagod ang Pinoy pug at nakatanggap pa ng maraming warnings kay referee Larry Doggett (USA) kung saan nabawasan pa siya ng puntos.

Sa panalong iyon, si Malinga ay umangat ang kartada niya sa 20-3-1; 12 habang si Domingo ay nalugmok sa 46-15-2; 18. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply