Domingo tinanggihan ni Montiel

NAKAHANDA na umano si Pinoy boxer Michael Domingo na lumaban para sa International Boxing Federation bantamweight title eliminator sa Oct. 30 at umaasa siyang mabibigyan siya ng world championship bout pagkatapos nito kung papalarin.

Una nang lumagda si Domingo sa Branco Promotions para harapin si dating world title challenger Vusi Malinga sa South Africa para sa No.1 spot ng IBF bantamweight rankings.

Ilang beses na ring tinanggihan si Domingo ng maraming world champions ngayong taon.

Kabilang sa mga tumangging labanan si Domingo ay sina World Boxing Organization bantamweight king Fernando Montiel, IBF bantamweight titlist Yonnhy Perez at WBO interim champion Eric Morel.

Kapag nanalo ay maaaring makaharap ni Domingo si current IBF bantamweight titleholder na si Perez ngunit nakatakda naman itong humarap kay Joseph Agbeko sa Dec. 11 sa Showtime’s bantamweight tournament.

Samantala, ang magwawagi sa Domingo-Malinga title eliminator ay siyang magiging mandatory challenger sa mananalo sa Perez-Agbeko rematch.

Si Domingo, may kartadang 40-14-2-18 knockouts, ay rated No. 6 sa IBF, habang si Malinga, may kartadang 19-3-1-12 knockouts, ay ranked sixth sa nasabi ring major boxing sanctioning body. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply