Donaire ‘di sikat sa Tate—Arum

WALANG gatol na inamin kahapon ni Top Rank boss at Hall of Fame Promoter Bob Arum na hindi pa ganoon kasikat si world champ Nonito Donaire Jr. sa Estados Unidos.

Ayon kay Arum, ito ang dahilan kaya hindi makakakuha ng malalaking laban si Donaire.

Sinabi pa ng Top Rank boss na dapat ay mahawakan siya ng HBO o ng Showtime para tumaas ang kanyang presyo.

“In order for Donaire to get a big fight, he needs to have the backing of HBO or Showtime.  Donaire is not yet a big draw. He is not yet that popular in America . The Filipino community in the U.S. need to support him,” pahayag ni Arum.

Kaya naman, ipinaliwanag ni Arum, na binibigyan niya ng malaking laban si Donaire tulad na lamang ng pakikipagharap niya kay Vladimir Sidorenko sa Dec. 5.

“I am giving him good fight against Vladimir Sidorenko, if he wins that one then HBO will show the big fight against Fernando Montiel in February,” ani Arum.

Ayon kay Arum, umaasa siyang maipapanalo ni Donaire ang laban upang makaharap niya sa ibabaw ng ring si Montiel.

Idinagdag naman ni Arum na may mga magagaling ding Pinoy boxers tulad nina Mark Melligen at Bernabe Concepcion.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply