Donaire gigil na kay Sydorenko

NAGPAHAYAG na ng kahandaan si interim WBA super flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire (24-1, 16 KOs) ng Pilipinas sa kanyang laban kay WBA bantamweight world champion Volodymyr Sydorenko (22-2-2, 7 KOs) ng Ukraine sa Dec. 5.

Ang bakbakan ng dalawa ay kasabay ng laban naman ni WBC Silver middleweight champion “The Son of the Legend” Julio César Chávez Jr. (41-0-1, 30 KOs) ng Culiacan, Mexico kay Alfonso Gomez (22-4-2, 11 KOs) ng Guadalajara, Mexico, na nakilala sa season one ng “The Contender” reality show.

Pinamagatang ‘In Harm’s Way’, maghaharap ang mga ito sa Honda Center sa Anaheim, California. ”One thing I can say for sure is that the Honda Center is going to be filled with fireworks on December 4th. It’s going to be fight after fight and it’s going to be explosive,” pahayag ni Donaire.
Matatandaan na sa huling laban ni Donaire ay giniba niya si Hernan “Tyson” Marquez (28-2, 20 KOs) ng Mexico noong Hulyo sa Coliseo Jose Miguel Agrelot sa Hato Rey, Puerto Rico. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply